Sunday, August 15, 2010

Umagahang Hatid ni Manong Magpuputo




Napaisip ako nung isang araw, nung tinanong ako ng kaibigan kong hindi pamilyar sa lokal na kultura tungkol sa magpuputo. Nakatambay lang kami nang siya'y magitla sa narinig na torotot. Nanlaki ang mga mata--pagkatapos ay natawa. Ano yun? (pero sa Ingles). Sabi ko nagtitinda yun ng puto, sabay takbo ko palabas para hanapin, habulin kahit man lang ng tingin ang nagbebenta ng kakanin. Tanong niya ulit, bakit ganun yung tunog? Akala ko meron nang payaso sa likod ko. Natawa ako sandali, pero napaisip ako pagkatapos...Oo, nga no. Lahat ng ibang nagbebenta ng mga samu't-saring pagkaing pangkalsada ay isinigaw ang kanilang bentahe. Pero bakit si Manong Magpuputo'y nantotorotot? At bakit ganun ang tunog ng kanyang torotot?

Mabilisan akong naghalungkat sa kalat ng aking karanasan na hindi ko na naisip pang ayusin dahil sa mga nakagawian. Hindi ko na matandaan kung kelan ko natutunan ang mga patakaran ng mga bagay-bagay na ganito na mistulang maliliit at hindi "consequential" para sa mga Pilipino. Nagtagpi ako ng mga "lohikal" na dahilan. Mabilisang sabawan na may halo na din sigurong bolahan. Sabi ko na lang... Para hindi malito ang mga tao. Kasi magkasing tunog yung "taho" at "puto"...at ganun yung tunog ng torotot para hindi akalaing jeepney o tricycle o kung ano pa. May gumagamit na din kasi ng bell, yung mamang sorbetero. Kung tugtog naman, baka akalaing basurero.

Parang naniwala naman siya. Pero ako... iniisip ko pa kung tama. Mababaw ba?


[ang mga comments ay iincorporate/ico-consider para sa Illiterati zine issue # 2]

No comments: